Mag-asawang bulag na kumakanta dati sa overpass, di umano nakakuha ng ayuda | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang bulag na kumakanta dati sa overpass, di umano nakakuha ng ayuda

Mag-asawang bulag na kumakanta dati sa overpass, di umano nakakuha ng ayuda

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Nabigo umano ang iisang bulag na mag-asawa sa Parañaque na makakuha ng ayuda mula sa kanilang barangay, higit isang buwan simula nang i-lockdown ang Metro Manila para pigilin ang pagkalat ng COVID-19.

Kumakanta dati ang mag-asawang sina Jessie at Norma Morante sa
overpass noon para may pambili ng pagkain. Nawalan sila ng hanapbuhay dahil sa lockdown.

Kuwento ng mag-asawa, wala silang ibang kasama sa kanilang inuupahang kwarto. Noong pumunta sila sa barangay, sinabihan umano silang hindi sila rehistrado sa barangay kaya hindi sila kasali sa listahan ng mga makakakuha ng ayuda.

Hindi rin sila nabigyan ng home quarantine pass. Dahil dito, tumanggi umano ang isang supermarket na papasukin sila.

ADVERTISEMENT

"Napakahirap kasi dapat gobyerno priority PWD tulad namin," hinaing ni Jessie.

"Minsan di kami kumakain. Wala [kaming] matakbuhan, walang magulang, walang tutulong sa amin dalawa," dagdag ni Norma.

Mauubos na anila ang kanilang kaunting ipon.

Nangako naman ang pamahalaang lungsod ng Parañaque na magbibigay ng tulong sa mag-asawa.

EDITOR'S NOTE: Hindi pa nakukuha ng ABS-CBN News ang panig ng mga opisyal sa barangay kung saan nakatira ang mag-asawa kaya hindi muna ito pinangalanan sa artikulong ito. Ia-update po namin ang istoryang ito oras na mahingi namin ang kanilang panig.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.