Chinese na stranded sa NAIA, ninakawan ng mga batang lansangan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chinese na stranded sa NAIA, ninakawan ng mga batang lansangan

ABS-CBN News
Published May 04, 2020 09:14 AM PHT

Ninakawan ng mga batang lansangan ang isang Chinese national na naistranded sa Ninoy Aquino International Airport nang suspendihin ng pamahalaan ang mga flights para pagilin ang pagkalat ng COVID-19 pandemic, ayon sa mga awtoridad.

Nitong Marso pa nasa passenger area ang dayuhan. Nang magtangka siyang humanap ng ibang matutuluyan at lumabas ng paliparan, nakuha ng ilang batang lansangan ang kaniyang cellphone kaya hindi na siya maka-contact sa mga kaanak, ayon sa airport police.
Kada 2 linggo na lang anila nagpapalit ng damit ang Chinese.

Nitong Pebrero pa nagsimulang magsuspinde ng flights ang mga airline papunta ng China para pigilin ang COVID-19. Simula nitong Mayo 3, sinuspinde rin ng pamahalaan nang isang linggo ang lahat ng flights papasok at palabas ng bansa.

Hindi bababa sa 15 dayuhan ang stranded ngayon sa NAIA Terminal 1, kabilang ang isang Dutch national na nangangambang maubusan ng maintenance medicine para sa puso at isang Australian na hindi makapunta sa bahay ng kaibigan dahil walang public transport.

DZMM, Mayo 4, 2020
DZMM, Mayo 4, 2020
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT