PatrolPH

Public school teacher timbog sa buy-bust sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 10:36 AM

Public school teacher timbog sa buy-bust sa Davao de Oro 1
Mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Davao Region

DAVAO CITY - Arestado ang isang guro sa pampublikong eskuwelahan sa buy-bust operation sa Purok 2, Poblacion, sa bayan ng Nabunturan, Davao de Oro Sabado ng gabi.

Nahulihan ang 40 anyos na guro ng isang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, maintainer rin daw o nangangalaga ng drug den ang suspek. Itinuturing din nila ang guro na pang-apat sa listahan ng mga drug suspects sa Davao de Oro.

Hinuli rin mga awtoridad ang 5 bisita ng drug den. Nakuha mula sa kanila ang 5 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P165,000 at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga inaresto.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC

 - Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.