Cash aid ng 2 lola, binawi dahil sila'y pensionado | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cash aid ng 2 lola, binawi dahil sila'y pensionado

Cash aid ng 2 lola, binawi dahil sila'y pensionado

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 04, 2020 11:59 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

PALUAN, Occidental Mindoro — Masama ang loob ng ilang senior citizens dito matapos bawiin ng pamahalaan ang kanilang natanggap na ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP) dahil natuklasang mga pensionado pala sila.

Sa ilalim kasi ng SAP, tanging mga mahihirap lang ang makatatanggap ng ayuda sa gitna ng krisis sa COVID-19, at hindi kasama dito ang mga may tinatanggap na pension kada buwan.

Pero ayon kina Evelyn Bautista at Teodirica Tampelic, masama ang loob nila dahil kakarampot na nga lang ang naibigay sa kanila ay binawi pa.

"Ang sakit din po kaya kahit pa isipin mo na kami ay may kaunting pension eh pare-pareho lang naman tayong mamamayan na nangangailangan lalo na sa pagkakataong ito," ani Bautista.

ADVERTISEMENT

"Mahalagang mahalaga po sa akin dahil nagme-maintenance po ako na P64 araw-araw. Wala ako magawa binawi eh," sabi naman ni Tampelic.

Dinepensahan naman ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang ginawang pagbawi dahil sumusunod lamang daw sila sa guidelines ng head office.

"Doon po kasi sa guidelines ng DSWD... nakalagay po sa exclusion 'yang mga pensioner," ani Francis Lou Pedraza ng MSWDO.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan, papalitan na lang ang binawing SAP ng ayuda mula sa alkalde ng bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.