Marking pens na gagamitin sana sa halalan sa Apayao, ipinapa-recall | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Marking pens na gagamitin sana sa halalan sa Apayao, ipinapa-recall

Justin Aguilar,
ABS-CBN News
Published May 03, 2019 10:49 AM PHT

BAGUIO CITY - Ipinabalik ng Commission on Elections (Comelec) ang mga marking pen na gagamitin sana sa halalan ng mga presinto sa Apayao dahil matagal umano matuyo ang tinta, sabi ng mga lokal na opisyal dito sa lungsod, Biyernes.

"'Yun pong gustong i-avoid is itong marking pen na prinocure ng COMELEC ngayon ay hindi magda-dry up easily so the tendency is if it is fed in the vote counting machine, 'yun pong ink na 'yun will block the scanner," ani Elenita Julia Tabangin-Capuyan, Provincial Election Officer ng Apayao.

Hindi sinabi ng mga awtoridad kung ilang marking pen ang ibabalik nila sa Maynila, ngunit tiniyak ng Comelec na parating na ang mga bagong kapalit na marking pens para sa Mayo 13.

"Ang gagawin po dyan, i-iinventory po namin, ire-recall namin at papaltian namin ng other pen. Preferably daw yung ginamit noong last election 2016 or 2013 election," ani Tabangin.

ADVERTISEMENT
Kung hindi naman umabot ang mga bagong biniling marking pens, puwede rin namang gumamit ng regular na ballpen pang-shade sa balota ang mga botante, aniya.

Importanteng mapalitan kaagad ang mga marking pen upang masiguro na hindi magkakaaberya sa bilangan ng boto, sabi ng political analyst na si Lauro Gacayan.

"Kung totoo yan dapat palitan, otherwise it will delay counting or worse pag matagal matuyo it will cause smears sa ballot," sabi niya.

"Baka mag-aappear na aside from the name that the voter shaded, another name will have mark or shade or magiging sobra na number of candidates na ibinoto nullifying the whole ballot," paliwanag niya.