KILALANIN: Mga TNVS na tatapat sa Grab | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Mga TNVS na tatapat sa Grab
KILALANIN: Mga TNVS na tatapat sa Grab
ABS-CBN News
Published May 03, 2018 08:54 PM PHT

Nasa lima na ang bagong transport network vehicle service (TNVS) companies ang nabigyan ng accreditation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang pumasada sa Kamaynilaan.

Pero kailan nga ba magsisimulang mag-operate ang mga ito at magkano ang singil nila sa pasahe?

MICAB
Tubong-Cebu ang taxi-hailing app na Micab.

Maaaring mag-book ng biyahe sa pamamagitan ng text message kung walang data.
Maaaring mag-book ng biyahe sa pamamagitan ng text message kung walang data.
ADVERTISEMENT
Maaari ring i-share ang trip sa mga kakilala para mabantayan ang biyahe.

Kung ano ang nasa metro, iyon lang ang babayaran.

"Tayo ay naka-focus sa mga taxi at ang mga taxi naman natin ay mga existing franchises. So 'di namin nakikita iyong magiging problema na makadadagdag sa trapiko," sabi ni Leo Gellor, head ng driver programs sa Micab.

HIRNA
Sa labas muna ng Metro Manila mag-ooperate ang app na Hirna, na katuwang ang mga pribadong sasakyan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pasahero.

Maaari itong magamit sa Bacolod City, Baguio City, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iligan City, Iloilo, at Pampanga.

"We would be, from a passenger fare perspective, if not the cheapest, one of the cheapest. From a driver's perspective, if not the lowest commission, one of the lowest," ani Hirna Founder Coco Mauricio.

HYPE
Mga pribadong sasakyan din ang masasakyan sa Hype, na sa Mayo 19 ay maaari nang ma-download ang beta test ng kanilang app.

Nasa P40 ang base far at may P14 dagdag-singil kada kilometro.

Hanggang doble ng pasahe ang surge sa ilalim ng Hype.

Pero ngayon ay patuloy pa rin ang pag-screen ng Hype ng mga aplikante para maging driver sa kanila.

"Marami ring nag-aapply dito na bago [ang TNVS unit], we will also present their case to LTFRB," ani Hype President Nicanor Escalante.

OWTO
May P40 base fare naman ang Owto at P12 na fixed rate kada kilometro at P2 kada minuto.

Ang surge ng Owto ay hanggang doble rin.

Sa Mayo 18 nakatakdang ilunsad ang kanilang app.

Bayad din daw ang mga driver kahit hindi nagpakita ang pasaherong nag-book sa kaniya, paliwanag ni Owto Chief Operating Officer Paolo Libertad.

"I'm willing to go to that request and wait for that rider kasi I know na if the rider cancels along the way, I will be paid by Owto a P50 cancellation fee charged to the rider. That's after three minutes when I'm already in transit," ani Libertad.

"And P50 as well if five minutes after I wait on the pick-up point, hindi nag-arrive si rider," dagdag ni Libertad.

Sa Hunyo naman inaasahan ang paglulunsad ng ikalimang accredited na transport company na Go Lag.

Ayon sa LTFRB, pag-aaralan kada tatlong buwan ang itinakdang 65,000 cap para sa TNVS units na puwedeng pumasada, na depende sa bilang ng mga nangangailangang pasahero.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT