Mga grupong nagprotesta para sa Labor Day, hinarang ng pulisya sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga grupong nagprotesta para sa Labor Day, hinarang ng pulisya sa Maynila

ABS-CBN News
Published May 01, 2021 03:07 PM PHT
|
Updated May 01, 2021 09:21 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Hindi nasunod ang orihinal na plano ng mga militanteng grupo na makapagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola at Liwasang Bonifacio sa Maynila para sa Labor Day nitong Sabado.

Ayon sa mga grupo, ang orihinal daw na plano ay isagawa ang kilos-protesta sa mga makasaysayang lugar doon pero hindi ito natuloy dahil maaga rin daw nagbarikada roon ang pulisya.

Ang resulta, nauwi sa Welcome Rotonda ang kilos-protesta kung saan nagkita-kita na lang ang iba pang mga progresibong grupo.

Sumentro ang kilo-protesta sa panawagang umento pa rin sa sahod ng mga manggagawa at pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap.

Ayon kay Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno, kailangang-kailangan ngayon lalo na sa panahon ng pandemya ang P100 daily wage subsidy at P10,000 ayuda sa mga walang trabaho at mga mahihirap.

Bahagi ng Quezon Ave., at España Blvd patungong Maynila pansamantalang sarado sa mga motorista dahil sa nagpapatuloy na #LaborDay rally ng mga militanteng grupo. pic.twitter.com/nIgVX97ks0
— Johnson L. Manabat (@JohnsonManabat) May 1, 2021

Sa dami ng mga dumalo sa kilos-protesta, halos magkakadikit na ang tao sa rally sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng mga organizer ng rally na sundin ang tamang physical distancing.

Kasama rin sa mga naki-rally sa gitna ng tirik na sikat ng araw ang senior citizen na si tatay Elmer Cordero ng Piston-6, ang mga tsuper na hinuli noong nakaraang taon dahil sa kawalan ng physical distancing sa isang protesta laban sa jeepney ban.

"Panawagan ko sa gobyerno, balik pasada, hanggang sa ngayon hindi pa nakakabiyahe, ano ang gagawin namin? sana ibigay na yang 10K na ayuda na yan dahil kaming mga driver at operator naghihirap na sa ngayon, wala na makain," ani Cordero.

Gaya ng dati pa nilang panawagan, hiling nila na payagan na ang pagbiyahe ng mas marami pang jeepney at ibigay ang ayuda para sa kanilang hanay. Nilimitahan ang mga biyahe dahil sa banta ng COVID-19.

Muli namang nagpaalala ang Department of Health na delikado ang pagkukumpulan ng maraming tao.

"'Yun pong pagkukumpol kumpol ng mga tao, kahit tayo ay nasa maaliwalas na lugar o nasa open space kayo ay maari pa ring makapag-cause ng pagkakahawa-hawaan at mas mabilis ang transmission ng pagkakahawa-hawaan," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

So sana po kahit na meron po tayong ganitong mga activities na naiintindihan naman po ng ating mga officials, pero kailangan magpractice pa rin tayo ng health protocols natin."

Pero sagot naman ni Lito Ustarez ng KMU: “”Para sa amin hindi ito yung pagmumulan ng spreading ng COVID. Maraming ginagawang aktibidad ang gobyerno, mas malala nga yung pagbibigay nila ng ayuda.”

KAUGNAY NA BALITA:
Nauna nang sinabi ng mga militanteng grupo na magsasanib-puwersa ang lahat sa isang online rally pagdating ng hapon.

Sa pagtaya ng Manila Police District, umabot ang crowd estimate sa Welcome Rotonda mula 1,300 hanggang 1,500.

Nagpaalala naman ang Philippine National Police na nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at mga karatig probinsya, kaya pinagbabawal pa rin ang mass gathering.

Dahil dito, nanawagan ang pulisya na gawin na lang online ang pagprotesta.

"Under the MECQ, any forms of mass gathering [is] prohibited to prevent the spread of [COVID-19]. We would like to encourage the general public to stay at home or do online Labor Day programs instead rather than going to physical gatherings and assemblies," sabi ng pulisya sa isang pahayag.

Nagpasalamat rin ang PNP dahil hindi na nagpatuloy ang mga ito sa kanilang naunang plano.

Sa dulo ay naging mapayapa naman ang selebrasyon ng Labor Day.

Iniulat ni PNP chief Police General Debold Sinas na walang naging gulo sa mga public assembly na ginanap ngayong araw.

"As of 5:00 p.m. today, no significant untoward incidents were reported in Metro Manila and other key cities across the country even as workers' groups from different labor organizations continue to hold public assemblies and gatherings to celebrate Labor Day,” aniya.

"At around 1:00 PM today, all public assemblies have peacefully dispersed in the NCR area."

- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
Read More:
Labor Day
Araw ng Paggawa
Mendiola
Liwasang Bonifacio
Kilusang Mayo Uno
KMU
militanteng grupo
Tagalog news
patrolph
protesta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT