Pamilyang pinalayas sa inuupahang bahay sa jeep nanirahan habang lockdown | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamilyang pinalayas sa inuupahang bahay sa jeep nanirahan habang lockdown

Pamilyang pinalayas sa inuupahang bahay sa jeep nanirahan habang lockdown

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 01, 2020 10:03 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nananawagan ngayon ng tulong ang isang pamilyang nakatira sa jeep sa Quezon City na pinaalis sa inuupahang bahay noong magsimula ang lockdown.

Isa't kalahating buwan nang nakatira sa jeep sa Amoranto Ave. sa Quezon City ang pamilyang Coquia.

Napalayas sila sa inuupahang bahay sa Baseco sa Maynila noong magsimula ang lockdown dahil hindi sila agad nakakapagbayad ng renta.

Sa minamanehong jeep ng padre-de-pamilya na si Julius nakapirmi ang pamilya ngayon, bitbit ang tatlo sa anim nilang anak kabilang ang 2 anyos na bunso.

ADVERTISEMENT

"May mga tao naman na nagbibigay sa amin dito, umaasa na lang kami, kasi minsan meron, minsan wala," ani Julius.

Ayon kay Julius, may kapatid siya sa Baseco pero wala nang lugar sa kanilang bahay.

Magdamag na pinapaypayan ng mag-asawang Julius at Erlin ang mga bata.

Sa umaga, kape at biskwit ang kanilang almusal.

Aminado rin ang haligi ng pamilya na si Erlin na hindi niya lagi napapainom ng gatas ang mga anak dahil sa kanilang sitwasyon.

ADVERTISEMENT

"Sabi namin, matutulog na lang yan kasi nakakain naman na, hindi na namin pinapadede kapag nagigising kasi wala talaga eh," ani Erlin.

Umasa si Julius na makakabalik-pasada pagdating ng Mayo. Pero dahil pinalawig ang lockdown, tengga nanaman siya at wala siyang kinikita.

Apat na beses na ring naglakad pabalik ng Baseco si Erlin para makahingi ng ayuda mula sa social amelioration program ng gobyerno.

Sa kasamaang-palad, wala umano ang kanilang pangalan doon kaya umaasa sila sa kung ano mang tulong ang naihahatid sa kanila ng mga dumaraan na sasakyan.

"Ineexpect ko na makakasama kami sa DSWD, pero wala yung pangalan namin doon. Sayang yung pagod ko, sayang hirap sa paglalakad," ani Erlin.

ADVERTISEMENT

Kaya naman gumawa na lang sila ng placard na may mensaheng humihingi ng tulong at ipinaskil sa labas ng jeep para mabasa ng mga dumaraan.

Umaasa ang mag-asawa na may iba pang mabubuting-loob na maghahatid ng tulong ngayong nakadepende sila sa mga donasyon.

Bukod sa pagkain, kailangan din nila ng diaper, gatas, at bitamina at pansamantalang matutuluyan ngayong alam nilang delikadong manatili sa kalsada.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.