Isyu sa sahod, endo nakaengganyo ng first-time protesters sa Labor Day | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isyu sa sahod, endo nakaengganyo ng first-time protesters sa Labor Day

ABS-CBN News
Published May 01, 2019 06:33 PM PHT
|
Updated May 01, 2019 09:06 PM PHT

(UPDATE) Libo-libo ang nagtungo ngayong Miyerkoles sa Maynila para makilahok sa protesta sa okasyon ng paggunita ng Araw ng Paggawa.

Umabot sa 5,750 tao ang nakilahok sa protesta sa Maynila, ayon sa tala ng National Capital Region Police Office alas-3 ng hapon.

Kasama roon ang mga miyembro ng mga grupo ng mga manggagawa, mga aktibista, at mga unyon.

Sa España nagkita-kita ang mga lumahok at nagmartsa sila hanggang Mendiola at Liwasang Bonifacio.
Sa España nagkita-kita ang mga lumahok at nagmartsa sila hanggang Mendiola at Liwasang Bonifacio.
ADVERTISEMENT
Sa taong ito, may mga manggagawang ngayon lang sumali sa protesta, tulad ni Rodolfo Duero.

Pahinante si Duero sa isang kompanya at nakiisa siya sa protesta dahil hirap na sa pagiging kontraktuwal.

Matapos umano ang 6 buwan ay hahanap na ulit siya ng bagong trabaho.

Nitong taon lang din sumali sa protesta ang unyon na kinabibilangan ni Rachel Salvador.

Ramdam na rin daw kasi nila na hindi sapat ang sinasahod sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.
Ramdam na rin daw kasi nila na hindi sapat ang sinasahod sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.
ADVERTISEMENT
"Sa pagtaas ng bilihin ngayon hindi na sumasapat sa pangkaraniwang manggagawa 'yong sahod," ani Salvador.

Maging ang mga estudyante, gaya ni Renzo Relente, ay nakiisa sa protesta dahil natatakot daw sila sa aabutan nilang sitwasyon kapag sila na ang nagtatrabaho.

"Ayaw naming manahin 'yong isang kundisyon ng paggawa na walang seguridad sa trabaho," ani Relente.

Ito ang mga dahilan kung bakit mistulang mas marami ang sumali sa Labor Day protest ngayon kumpara noong mga nakaraang taon, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU).

Dapat daw itaas ang sahod na kinikita ng mga manggagawa kada araw at ipatigil ang kontraktuwalisasyon.
Dapat daw itaas ang sahod na kinikita ng mga manggagawa kada araw at ipatigil ang kontraktuwalisasyon.
ADVERTISEMENT
"Pinagkakaitan ng sahod ang mga manggagawa. Ang pangakong wawakasan ang 'endo' ay hindi natupad," ani KMU President Elmer Labog.

Sa pagsunog ng effigy na binansagang "Dutertemonyo," ibinaling ng mga manggagawa ang kawalang pag-asa nila sa kasalukuyang gobyerno.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tila nakalimutan na ng mga nagpoprotesta ang mga pro-labor na programa ng pangulo.

Ang mga ikinakasa rin na protesta ay maaaring magdulot ng takot sa mga investor na mamumuhunan at magreresulta sa kawalan ng trabaho, ayon kay Panelo.

"What seems to escape them is the truth that their anti-government activities could scare away foreign investors in the country resulting in job losses," ani Panelo.

Nagdaos din ng mga protesta ang mga grupo ng mga manggagawa sa iba-ibang panig ng bansa, gaya ng sa Cebu City, Davao City, at Baguio City.

Pag-alis sa sistema ng pangongontrata at umento sa sahod din ang hiling ng mga grupo.

Katarungan naman ang hiling ng mga magsasaka sa Bacolod City para sa mga kasamahan nilang nabiktima ng umano ay extrajudicial killings.

-- Ulat nina Ron Gagalac, Joworski Alipon, at Michael Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT