Brodkaster na kandidatong bokal sa Aklan hinataw umano ng bote sa ulo | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Brodkaster na kandidatong bokal sa Aklan hinataw umano ng bote sa ulo

Brodkaster na kandidatong bokal sa Aklan hinataw umano ng bote sa ulo

Nony Basco,

ABS-CBN News

Clipboard

MALAY, Aklan - Inireklamo ng isang brodkaster ang Municipal Legal Officer ng bayang ito matapos umano siya hatawin ng bote sa ulo sa isang kasiyahan sa Barangay Poblacion, Martes ng gabi.

Ayon kay Jonathan Cabrera, station manager ng Radyo Todo FM station at tumatakbong board member sa Aklan, inimbitahan siya ng kaniyang mga taga-suporta sa nasabing kasiyahan.

Bigla na lamang umanong lumapit sa kaniya si Municipal Legal Officer Melanio Prado na may bitbit na bote at sinuntok siya. Hindi pa umano nakuntento si Prado at hinataw pa ng bote ng beer sa ulo si Cabrera.

Walang makitang rason si Cabrera sa ginawa ni Prado sa kaniya maliban sa isyung tinatalakay sa kaniyang istasyon ukol sa kontrata ng pangongolekta ng basura sa bayan ng Malay.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Cabrera, ilegal umano ang pinasukang kontrata ng lokal na pamahalaan ng Malay dahil hindi ito pinayagan ng Commission on Audit.

Dagdag pa ni Cabrera, si Prado ang nag-review ng kontrata at nagbigay ng go-signal sa lokal na pamahalaan na pumirma.

Isinantabi naman ng brodkaster ang politika sa nangyaring gulo sa kanila ni Prado.

Paliwanag ni Cabrera, pareho ang kanilang sinusuportahang kandidato kahit na tumatakbo siya bilang independent candidate.

Magsasampa naman ng kasong slight physical injury at disbarment si Cabrera laban kay Prado.

Sinubukang kunin ng news team ang panig ni Prado ngunit ayon sa kasambahay niya nasa bakasyon na ang abogado.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.