Babaeng nahuli sa shoplifting sa grocery idinahilan ang 6 anak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng nahuli sa shoplifting sa grocery idinahilan ang 6 anak

ABS-CBN News
Published May 01, 2019 06:47 PM PHT
|
Updated May 01, 2019 11:21 PM PHT

Arestado ang isang babae sa Makati City matapos umanong magtangkang ipuslit ang isang shopping cart na puno ng grocery items noong Biyernes ng gabi.

Problemado ang suspek na si Ana Miniz kung sino ang bubuhay sa kaniyang anim na anak ngayong nakakulong siya sa himpilan ng pulisya.

Sa kuha ng CCTV sa isang supermarket sa Chino Roces Avenue noong Biyernes ng gabi, kitang tulak-tulak ng suspek ang shopping cart na puno ng iba't ibang produkto.

Pero imbes na magbayad, humanap ng tiyempo ang suspek na malingat ang cashier at sinubukang pumuslit pero naharang siya ng mga guwardiya.

Aabot sa halos P20,000 halaga ng mga imported na de-lata, bigas, sabon, at iba pang items ang tinangka umanong nakawin ni Miniz.

Nadiskubreng nag-shoplift na rin pala noong isang taon ang suspek sa parehong supermarket.

"Kung makikita kasi natin 'yung oras medyo rush hour, maraming tao sa grocery. Nag-observe muna siya bago niya kinuha 'yung cart at unti-unting inilabas... Nakalusot siya dati kaya medyo kampante siya, at alam na niya 'yung mga pasikot-sikot," paliwanag ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police.

Paliwanag ni Miniz, mag-isa lang umano siyang sumusuporta sa mga anak kaya niya nagawa ang tangkang pagnanakaw.

"Dala lang nang wala po akong maipambuhay sa mga anak ko," sabi ni Miniz.

Kinasuhan na ng theft ang suspek.
—Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
Kinasuhan na ng theft ang suspek.
—Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT