Puwede na bang di mag-mask kung nabakunahan na? Eksperto sumagot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Puwede na bang di mag-mask kung nabakunahan na? Eksperto sumagot

Puwede na bang di mag-mask kung nabakunahan na? Eksperto sumagot

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Dapat pa ring magsuot ng face masks ang mga Pinoy kahit pa nakumpleto na nila ang doses ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa isang infectious diseases expert.

Ito'y matapos mapasambit ng #SanaAll ang ilang Pinoy sa balitang pagluwag ng Amerika sa patakaran sa pagsusuot ng mask para sa mga nabakunahan na.

Paliwanag sa TeleRadyo ni Dr. Eva Roxas nitong Biyernes, hindi puwedeng gayahin ngayon ng Pilipinas ang Amerika dahil mababa pa ang coverage o kakaunti pa lang ang mga nababakunahan.

Kung si Roxas ang tatanungin, magluwag lang sana sa patakaran sa pagsusuot ng face mask kapag may herd immunity na sa bansa o nabakunahan na ang 70 milyong Pilpino na target ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT

"Medyo malayo-layo pa po sa current status natin. Baka in the future po that can also be applicable in our country but sa ngayon, as of this time, since hindi pa ganu'n karami ang coverage, we still have to practice wearing face mask," ani Roxas.

Bukod dito, ang mga bakunang ginagamit sa bansa, tulad ng CoronaVac, ay laban lamang sa severe COVID-19 cases.

Patuloy pa namang pinag-aaralan kung may kakayahan itong pigilan ang transmission o hawahan ng sakit.

Hindi rin aniya dapat balewalain ang mga variant na hindi pa tiyak kung napupuksa rin ng mga naimbentong bakuna.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.