Mag-ama na dating miyembro ng CAFGU, patay sa pamamaril sa Davao de Oro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-ama na dating miyembro ng CAFGU, patay sa pamamaril sa Davao de Oro

Mag-ama na dating miyembro ng CAFGU, patay sa pamamaril sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Clipboard

MACO - Patay sa pamamaril nitong Huwebes ng gabi ang isang mag-ama sa kanilang bahay sa bayan ng Maco, Davao de Oro, ayon sa pulisya.

Natagpuan ng pulisya sa labas ng bahay sa Purok 1, Barangay Concepcion ang bangkay ni Arman Demecillo Sr., 49 taong gulang.

Nasa kusina naman daw ang bangkay ng anak nitong si Arman Demecillo Jr., 26 taong gulang.

Mga miyembro daw ang dalawa ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU), ayon sa pulisya.

ADVERTISEMENT

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaupo lang umano sa silya ang ama na biktima sa labas ng kanilang bahay habang nakaupo rin sa balkonahe ang anak nito.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tatlong lalaki umano ang dumaan at huminto sa kanilang pamamahay na nakasuot ng bonnet, itim na t-shirt, at long pants. Lulan daw ang mga ito ng isang motorsiklo.

Sa hindi malinaw na kadahilanan, binaril umano ng isa sa mga suspek ang ama, habang nakatakbo pa hanggang sa kusina ang anak at doon na binaril.

Nagtamo ng tama sa iba't ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima na naging sanhi ng kanilang pagpanaw.

Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang pulisya habang inaalam pa ang motibo sa krimen.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.