PatrolPH

Halos P6 milyong halaga ng marijuana nasabat sa Kalinga; 2 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2021 03:26 AM

Halos P6 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust sa lungsod ng Tabuk, Kalinga, Huwebes ng hapon.

Huli sa operasyon ang dalawang suspek.

Ayon sa PDEA, nakuha mula sa mga suspek ang 45 na marijuana brick at 8 dried marijuana na aabot sa P5.88 milyon ang halaga.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.--Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.