PatrolPH

Police station sa North Cotabato hinagisan ng granada

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2021 05:49 PM

CARMEN, North Cotabato — Isang riding-in-tandem ang naghagis ng granada sa Carmen Municipal Police station sa North Cotabato noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa pulisya sa istasyon, pasado alas-7 ng gabi nang may isang matigas na bagay umano ang itinapon sa kanilang bubungan hanggang sa nahulog, saka sumabog.

Nasira ang isang sasakyang nakaparada sa labas ng istasyon, pero wala namang nasugatan.

Sakay umano ng motorsiklo ang dalawang lalaking naghagis ng granada.

Kaagad nagsagawa ng pursuit operation ang Carmen police pero bigo sila na mahuli ang mga salarin.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

—Ulat ni Lerio Bompat 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.