Lalaking nagpanggap na pulis, timbog sa Dumaguete | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagpanggap na pulis, timbog sa Dumaguete

Lalaking nagpanggap na pulis, timbog sa Dumaguete

ABS-CBN News

Clipboard

Timbog ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis sa Dumaguete City, Negros Oriental nitong Martes ng umaga.

Pinahinto ng mga nagpapatrolyang pulis ang 38 anyos na suspek na nagmamaneho ng motorsiklo nang dumaan ito sa Barangay Looc, ayon sa mga awtoridad.

Nagpakilala raw ang lalaki na isa siyang pulis. Galing umano ito sa bayan ng Sibulan at pumunta ng Dumaguete City para bumili ng tinapay.

Pero napag-alaman na nagpanggap lamang na pulis ang suspek matapos peke ang ipinakita nitong tsapa at ID.

ADVERTISEMENT

Wala ring dokumento para sa minamanehong motorsiklo na naipakita ang lalaki. Expired rin ang driver’s license nito.

Sasampahan ng kasong usurpation of authority ang lalaki at paglabag sa Land Transportation and Traffic Code. – Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.