Sunog sumiklab sa 3 barangay sa QC

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa 3 barangay sa QC
ABS-CBN News
Published Apr 30, 2019 06:17 PM PHT
|
Updated Apr 30, 2019 09:59 PM PHT

MAYNILA (3rd UPDATE)—Sumiklab ang 3 magkakahiwalay na sunog sa residential area sa mga barangay ng Baesa, Bahay Toro, at Santo Cristo sa Quezon City nitong Martes.

Kontrolado na ang sunog sa Bahay Toro, habang patuloy na nasa Task Force Bravo ang sunog sa Baesa, at unang alarma naman sa Santo Cristo.

BARANGAY BAESA
Nabalot ng usok at apoy ang Sitio Ambuklao sa Baesa pasado alas-4 ng hapon.

Kinailangan pang pasukin ng Bureau of Fire Protection at fire volunteers ang isang warehouse para butasin ang pader at dito idaan ang fire hose.

ADVERTISEMENT
Ayon sa bfp, nasa 400 bahay ang natupok, habang 900 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Isang residente naman ang naiulat na nasugatan matapos magtamo ng paso sa bahagi ng katawan.

BARANGAY BAHAY TORO
Idineklara nang kontrolado ang sunog sa Barangay Bahay Toro alas-8:14 ng gabi.

Nagsimula ito bandang alas-4 ng hapon at umabot sa ika-5 alarma.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay at nahirapan din ang mga bombero dahil kinailangan nilang dumaan sa masisikip na eskinita.

Nagsimula umano ang apoy sa ground floor ng bahay ng isang Rey Montanez ngunit inaalam pa ang mismong dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Ayon sa BFP, 50 bahay ang natupok habang aabot sa 80 pamilya ang nawalan ng tahanan.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates. — Ulat nina Jeff Hernaez, Bettina Magsaysay, at Vivienne Gulla, ABS-CBN News