2 patay sa banggaan ng dalawang barko sa Corregidor | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa banggaan ng dalawang barko sa Corregidor

ABS-CBN News
Published Apr 29, 2023 05:19 PM PHT

Dalawa ang patay habang tatlo pa ang pinaghahanap matapos magbanggaan ang isang dredger vessel at oil tanker sa karagatan ng Corregidor Island.

Ayon sa Philippine Coast Guard, 9:30PM Biyernes nang magbanggaan ang Sierra Leone flagged na dredger vessel na MV Hong Hai 189 at Marshall Island flagged na oil tanker na MT Petite Soeur.

Agad na-rescue ng dumaang rescue vessel na Heng Da 19 ang labing anim na crew ng MV Hong Hai 189.

Na-recover ang bangkay ng isa sa mga Chinese na crew nito Sabado ng umaga habang binawian ng buhay sa pagamutan ang isa sa mga unang na-rescue na Pinoy na crew.

ADVERTISEMENT
Ligtas naman lahat ng dalawampu't isang crew ng MT Petite Soeur.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armand Balilo, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari.

Nag-deploy na rin ng aluminum boats at rubber boats para sa isinasagawang search and rescue operation. Nagsasagawa na rin ng aerial survey ang Coast Guard aviation force.

Isasailalim din sa state control inspection ang MT Petite Soeur.