Dahil sa alitan, lalaki patay nang saksakin umano ng kuya sa Iloilo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dahil sa alitan, lalaki patay nang saksakin umano ng kuya sa Iloilo

ABS-CBN News
Published Apr 29, 2021 01:23 PM PHT

Patay ang isang lalaki sa bayan ng Oton, Iloilo matapos umanong sasakin ng nakakatandang kapatid na nakaalitan niya noong hapon ng Miyerkoles.

Kinilala ng Oton police ang biktima bilang si Purisimo Salitre, 54.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang magkapatid habang nasa inuman matapos dumalo sa libing ng kanilang pinsan sa Barangay Cadinglian.

Hinampas umano ng biktima ang kaniyang kuya pero inundayan siya nito ng saksak, ayon sa pulisya.

ADVERTISEMENT
Sinugod sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival dahil sa mga tinamong sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Nasa kustodiya ng Oton police ang suspek.

— Ulat ni Rolen Escaniel
— Ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO:
RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT