Lalaking sinita sa Mandaluyong, binigyan ng face mask imbes na arestuhin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking sinita sa Mandaluyong, binigyan ng face mask imbes na arestuhin

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Apr 29, 2020 06:22 AM PHT
|
Updated Apr 29, 2020 02:07 PM PHT

Multa o kulong ang kahaharapin ng mga lumalabas sa publiko nang walang suot na face mask sa Mandaluyong, pero hindi ito ang naranasan ng isang lalaking nasita sa Barangay Addition Hills.

Ayon sa post ng Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office sa Facebook, tinigilan ng sasakyan ng barangay ang lalaking naglalakad sa F. B. Martinez Avenue matapos mapansin na wala siyang dalang face mask.

LOOK: An Army reservist patrolling Bgy. Addition Hills in Mandaluyong City hands out a free face mask to a man caught walking on the street without one.
A city ordinance penalizes going out in public without wearing face masks.
(šø: Mandaluyong City DRRMO) pic.twitter.com/itUX5Z1tvZ
ā Anjo Bagaoisan (įįįįįįį įįįįįįį) (@anjo_bagaoisan) April 28, 2020

Bumaba ang isang nakasakay na Army reservist na naka-assign sa Addition Hills.

Imbes na hulihin ang lalaki, pinagsabihan siya ng Army reservist sa paglabag niya at binigyan ng dala nitong libreng face mask para isuot.

Ayon sa Ordinance No. 767 ng Mandaluyong na inilabas nitong Abril, pagbabayarin ng P5,000, makukulong ng isang linggo o pareho ang mga mahuhuli sa pampublikong lugar na walang suot na face mask.

Kasama ng ibang sundalo at pulis, naka-deploy ang ilang miyembro ng Army reserve command sa Addition Hills matapos isailalim ng lungsod sa heightened community quarantine ang ilang bahagi ng barangay noong Abril 10 dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19.

Nitong Abril 28, isa ang Addition Hills sa 3 barangay na nagtala ng pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mandaluyong City, kasama ang Highway Hills at Mauway na may tig-46 na kaso.

Kapwa tig-anim na residente sa Addition Hills at Highway Hills ang namatay na sa sakit, ang pinakamataas na bilang sa lungsod.

Addition Hills din ang may pinakamaraming suspect COVID-19 cases na 148.

May 354 kumpirmadong kaso na ang lungsod, 33 namatay, at 62 gumaling na.

Read More:
Tagalog News
Mandaluyong City
face mask
Addition Hills
COVID-19
coronavirus
enhanced community quarantine
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT