5 hinihinalang carnapper at holdaper, patay sa engkwentro sa Kalinga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

5 hinihinalang carnapper at holdaper, patay sa engkwentro sa Kalinga

5 hinihinalang carnapper at holdaper, patay sa engkwentro sa Kalinga

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang limang hinihinalang carnapper at holdaper matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Tabuk City, Kalinga nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Police Major Garry Gayamos ng sa Kalinga Police Provincial Office, matapos nilang mamonitor ang mga suspek ay agad silang nagsagawa ng checkpoint.

Base kasi impormasyon na natanggap ng mga pulis, galing umano ng Tinglayan sa nasabi ring lalawigan ang grupo para kumuha ng mga iligal na droga.

Habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa national highway na sakop ng Barangay Bulo sa nasabi ring lungsod ay may isang kotse na biglang humarurot, iniwasan ang checkpoint, at pinaputukan umano ang mga pulis.

"Imbes na mag-stop sila para ma-check sila, ang ginawa nila ay pinatakbo nila ang kanilang sasakyan ng mabilis para iwasan itong checkpoint at pinaputukan ang mga pulis," sabi ni Gayamos.

ADVERTISEMENT

Hinabol ito ng mga pulis at sa pag-iwas ng grupo sa mga pulis ay dumiretso sa kanal ang kanilang sinasakyang kotse sa Barangay Malalao sa nasabi ring lungsod at dito na na-korner ng mga pulis ang mga suspek.

Lumabas ang mga suspek sa sasakyan at pinaputukan nila ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis at dito natamaan ang mga suspek.

Dead on the spot ang dalawang suspek habang ang tatlo ay isinugod sa ospital pero nasawi rin habang ginagamot.

Narekobre sa mga suspek ang apat na caliber .45 na baril, isang granada, at 23 bricks ng dried marijuana na may kabuuang halaga na nasa P2.7 million.

May pagkakilanlan na ang tatlo sa mga suspek dahil sa mga ID na nakuha sa kanila kung saan dito nakasulat na pare-parehong taga-Pampanga ang mga ito pero kailangan itong maberipika kung ito ang tunay nilang mga pangalan at address.

Dagdag ni Gayamos, ang mga suspek ay miyembro ng notorious group ng mga carnapper at holdaper na ang operasyon ay sa Region 2, 3, at 4.

- ulat ni Grace Alba

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.