Halos P1 milyong halaga ng marijuana nasabat sa Mountain Province; 4 tiklo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos P1 milyong halaga ng marijuana nasabat sa Mountain Province; 4 tiklo

ABS-CBN News
Published Apr 28, 2021 12:16 AM PHT

Arestado ang apat na lalaki matapos makumpiskahan ng halos P1 milyong halaga ng marijuana sa Sadanga, Mountain Province nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa PDEA-Cordillera, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa ipupuslit sana na marijuana kung kaya nagsagawa ng checkpoint sa Sitio Ampawilen, Brgy. Poblacion.

Nasakote ang isang itim na SUV na galing umano ng Kalinga.
Nang inspeksyunin ang sasakyan, natagpuan ang 8 marjiuana bricks gayundin ang 1 nakabalot sa tubular shape na marijuana at 2 ball-shaped marijuana leaves with fruiting tops.

May kabuuan itong timbang na 8,250 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P990,000.
May kabuuan itong timbang na 8,250 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P990,000.
ADVERTISEMENT
Inilalako umano ang marijuana online ng mga suspek na kinilalang sina Dan Mark De Los Reyes, Lorence Ignacio, Vince Robles at John Cesar Padilla na pawang taga-Parang, Marikina.

Noong Biyernes, dalawang lalaki mula Sta. Mesa, Manila ang inaresto sa umano'y tangka nilang pagpuslit ng P3.6-milyong halaga ng marijuana sa Sadanga.

Sinampahan na ang mga suspek ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT