Dalagitang dumalo sa birthday, natagpuang patay sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dalagitang dumalo sa birthday, natagpuang patay sa Davao City

ABS-CBN News
Published Apr 28, 2021 12:27 AM PHT
|
Updated Apr 28, 2021 12:28 AM PHT

Nadiskubre ng mga residente ang bangkay ng isang babae malapit sa kanal sa Barangay Lasang, Davao City, Martes ng umaga.

Nanlumo ang pamilya nang makumpirmang ang menor de edad na estudyanteng si "Weng" ang natagpuang patay sa Purok Taurus, Tambongon-Bucana Road.

Sa pagsusuri ng crime scene operatives, nagtamo ang biktima ng isang saksak sa tiyan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang 8 ng gabi nitong Lunes dumalo ang biktima sa birthday party ng kaniyang kakilalang babae.

Bandang 11 p.m. habang malakas ang ulan, umalis ang biktima kasama ang kaniyang kasintahan, ayon sa pulisya.

Ayon sa kaniyang ina, nagpaalam pa ang biktima sa kaniya na magsasauli lang ng module.

Hindi nito inakalang dadalo pa sa birthday party at aabutan ng ulan.

"Nakapag-chat pa siya sa amin para sabihing huwag munang i-lock ang pinto dahil uuwi raw siya," aniya.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.--Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT