Oxygen tank para sa naghihingalong pasyente, hinarang sa checkpoint: supplier | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Oxygen tank para sa naghihingalong pasyente, hinarang sa checkpoint: supplier

Oxygen tank para sa naghihingalong pasyente, hinarang sa checkpoint: supplier

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 28, 2020 08:47 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Inireklamo ng 2 supplier ang umano'y pagharang ng isang purok leader sa 2 oxygen tank na para sana sa isang naghihingalong pasyente sa Quezon City.

Sa video mula kay Gina Romanos, makikitang nagpakita siya at kaniyang live-in partner ng quarantine pass para makalagpas ang mga tangke sa checkpoint sa Zytec Compound, Barangay Pasong Tamo nitong Linggo ng umaga.

Gayunman, sinabihan sila ng mga bantay ng checkpoint na ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas sa naturang lugar mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

"Tinext kami ng nurse na kausap namin, sabi na kailangan na ipadala 'yung oxygen tank kasi naghihingalo na ang pasyente. Kaya nagkagulo na kami," kuwento ng magdedeliver nito na si Louie Bugayong.

ADVERTISEMENT

"Tinanong ko 'yung purok papaano ang deskarte kasi ayaw kami paalisin. Sabi niya, 'Edi mamatay 'yan kung mamatay,'" dagdag niya.

Nakalusot sa checkpoint ang grupo matapos ang 1 oras nang dumating ang mga opisyal ng barangay at tinulungan sila.

Magsasampa ang grupo ng kaso dahil nakaranas umano sila ng diskriminasyon sa insidente kahit pa maituturing silang frontliners sa COVID-19 crisis, ani Romanos.

Pinuntahan ng DZMM Radyo Patrol ang purok leader na nasa video ni Romanos, pero tumanggi siyang humarap sa camera. Napagsabihan na ng barangay officials ang purok leader nitong Lunes, ayon sa kaniyang kaanak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.