Alkansiya, ihawan gawa ng 2 construction worker kapalit ng pagkain | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alkansiya, ihawan gawa ng 2 construction worker kapalit ng pagkain

Alkansiya, ihawan gawa ng 2 construction worker kapalit ng pagkain

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 28, 2020 07:32 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Alkansiya at ihawan na mula sa scrap metal ang ginawa at ipinagpapalit ng dalawang construction worker para may makain sa kabila ng lockdown na ipinatutupad sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Pilipinas laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Kuwento nina Teddy Dayao, 40-anyos, at Ryan Yanga, mula sa napupulot nilang pinagtabasang materyales mula sa construction site ang mga gawang alkansiya at ihawan.

"Ginawan ng paraan, mga scrap-scrap na lang papalit ng ulam para mabuhay lang," sabi ni Dayao. Hindi na rin niya alam kung ano na ang sitwasyon ng pamilyang naiwan sa Dumaguete.

"Yung mga pamilya namin sa probinsiya 'di namin alam kung anong nangyayari doon. Si God na lang bahala kung anong mangyayari," sabi ni Dayao.

Ipinagpapalit nila ang mga gawang alkansiya at ihawan sa karne o delata. Inaalok daw nila ito sa malapit na bahay o tindahan dahil hindi naman nila mailako sa ibang lugar at baka hulihin lang sila.

ADVERTISEMENT

Wala rin silng natanggap na pera mula sa social amelioration program ng pamahalaan.

Nag-aalala rin si Yanga sa kaniyang mga magulang sa Pampanga dahil wala rin siyang maipadalang pera sa kanila.

"Wala rin akong maipadala, wala rin mautangan. Kaysa magnakaw ka, ito na lang po naisip namin. At least po ito marangal," sabi ni Yanga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.