Mga plaka ng sasakyan pinangangambahang maubos sa Hulyo: LTO | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga plaka ng sasakyan pinangangambahang maubos sa Hulyo: LTO

Mga plaka ng sasakyan pinangangambahang maubos sa Hulyo: LTO

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 28, 2023 01:21 AM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Matapos ang kakulangan sa lisensiya, nakaamba ngayong magkulang umano ang mga plaka para sa mga sasakyan.

Ayon sa Land Transportation Office, nasa 1 milyong plaka na lang ang suplay nila sa buong bansa para sa mga sasakyan, habang 300,000 naman para sa motor vehicles.

"Ang projection ng LTO, motor vehicles plates to last until July; motorcycle until June of this year," ani LTO chief Jay Art Tugade.

Sa gitna ng problemang ito, nagbabala ang LTO na hindi puwedeng basta-bastang mag-print o gumawa ng sariling plaka. Ang pinapayagan lang ay mga temporary plate na galing sa casa kapag bumili ng bagong sasakyan.

ADVERTISEMENT

Kung sakali namang nawala, nanakaw o nasira ang plaka, kailangan muna pumunta sa LTO at mag-apply ng 'authorization to use improvised plate' bago magpagawa ng sariling plaka.

Dito, bibigyan sila ng dokumentong ipapakita nila kapag nahuli ng mga enforcer dahil sa kakaibang license plate.

Bawal din anilang bumili ng plakang ibinebenta online.

Department of Transportation na ang mangunguna sa procurement ng mga bagong plaka at maging ng mga lisensiya dahil mahigit P50 milyon ang halaga ng mga bid dito.

Ngunit na-postpone pa ang submission ng bids mula Abril 24 papuntang Mayo 24.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.