Lalaki sugatan sa sumiklab na sunog sa Intramuros, Maynila | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki sugatan sa sumiklab na sunog sa Intramuros, Maynila

Lalaki sugatan sa sumiklab na sunog sa Intramuros, Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Isang lalaki ang nagtamo ng first-degree burns sa mukha dahil sa sunog sa isang commercial area sa Victoria St. sa Intramuros, Maynila nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naitaas sa unang alarma ang sunog bandang 4:41 ng hapon sa isang palapag na bodega sa Maynila na pagmamay-ari raw ni Ruben Tan.

Mabilis lumaki ang apoy sa bodega na may laman na electrical supplies.

BALIKAN:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pagdating daw ng 4:51 p.m., itinaas na agad sa ika-3 alarma ang sunog.

ADVERTISEMENT

Isang oras matapos nito, na-control na ng mga bombero ang sunog.

Isang pamilya lang ang naapektuhan nito, at wala naman ibang nadamay na kalapit establisymento.

Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala sa sunog.

- Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.