P10 milyong halaga ng droga sa manika, laruan, nasabat sa NAIA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P10 milyong halaga ng droga sa manika, laruan, nasabat sa NAIA

P10 milyong halaga ng droga sa manika, laruan, nasabat sa NAIA

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 28, 2018 12:29 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATED) Aabot sa P10 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakakubli sa isang package ng laruang manika mula pa Amerika.

Gamit ang manika at mga building block toys, muntik nang maipuslit sa bansa ang mahigit 2 kilo ng shabu at mahigit 1 kilo ng kush weeds o mataas na uri ng marijuana.

Napaghinalaan ito ng mga tauhan ng BOC anti-illegal drugs task force matapos idaan sa x-ray sa FedEx warehouse sa NAIA.

Nagpostibo rin sa methamphetamine ang laman ng package nang idaan sa initial drug testing.

Ayon sa BOC, madalas galing sa China ang mga drogang nasasabat nila pero may mga shabu lab na rin daw ngayon sa Amerika.

"It appears that it's being produced in California...The Mexican drug syndicates have been trying to penetrate the market here," ani BOC Commissioner Isidro Lapeña.

ADVERTISEMENT

"Nag-iisip sila ng mga diversionary tactics para makapagpasok ng ilegal na droga...May market siya dito, mga nasa level A market...Galing ito sa US so we assume high-grade ito," ayon naman kay Gerald Javier, intelligence officer 3 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Galing sa isang Robert Jackson na taga-California ang manika at nakapangalan sa mga papadalhan sa Cavite at Quezon City, na ngayo'y pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Naaresto ng PDEA nitong Biyernes ang dalawang consignee sa package na kinilala bilang sina Antonio Lobiano alyas Ariel Montilla at Gundelina David.

Naaresto si Lobiano sa Motojo Street, Makati habang si David ay sa Maynila.

Giit ni Lobiano, ginamit lang siya ng kaibigan niya na ginawan siya ng identification card na may mukha niya at pekeng pangalan para gamitin sa pagtanggap ng package.

ADVERTISEMENT

Agad din daw dumating ang P3,000 money remittance para sa kaniya noong Lunes.

Ayon naman kay David, tatlong beses pa lang daw niya nakausap ang isang taong madalas bumili sa kaniya ng sigarilyo.

Lagi raw siyang tinatanong nito kung "dumating na ba ang package," na hindi naman daw niya alam kung ano.

Pero inamin niyang nilagay niya ang pangalan niya at pumirma siya sa authorization letter na ginawa nito para sa pagkuha ng package.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. --Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.