Hindi totoong nakapagtrabaho si Robredo sa tatlong sangay ng gobyerno | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Hindi totoong nakapagtrabaho si Robredo sa tatlong sangay ng gobyerno

Hindi totoong nakapagtrabaho si Robredo sa tatlong sangay ng gobyerno

Bayan Mo,

iPatrol Mo

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/04/26/20220426-fact-check-vp-robredo-thumbnail.jpg

Taliwas sa kumakalat na post, hindi nakapagtrabaho si Vice President Leni Robredo sa lahat ng sangay ng pamahalaan, mula Executive, Legislative hanggang Judiciary.

Ayon sa isang Twitter post, si Robredo ang natatanging presidential candidate na nakapagtrabaho sa tatlong sangay ng gobyerno: sa Executive, bilang Vice President; sa Legislative, bilang Camarines Sur 3rd District Representative; at sa Judiciary, bilang abogado sa ilalim ng Public Attorney’s Office (PAO).

Bagama't tamang nagtrabaho si Robredo sa Executive at Legislative branches, ang PAO kung saan siya nagsilbing abogado ay hindi sakop ng Hudikatura.

Ang PAO ay isang opisinang nakakabit sa Department of Justice na sakop ng executive branch.

ADVERTISEMENT

Ang sakop ng Judiciary ay ang Supreme Court at lower courts.

Si Robredo ay pumasok sa PAO matapos pumasa sa Bar noong 1997. Nagserbisyo siya sa ahensya hanggang 1999.

Isa sa mga naging presidential aspirant na totoong nakapagserbisyo sa tatlong sangay ng gobyerno ay ang dating senador na si Miriam Defensor-Santiago.

Siya ay naging presiding judge sa Quezon City Regional Trial Court (judiciary), immigration commissioner at agrarian reform secretary (executive), at senador (legislative).

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.