Barangay kagawad patay sa police raid sa Camarines Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay kagawad patay sa police raid sa Camarines Sur

Barangay kagawad patay sa police raid sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Nasawi ang isang kagawad matapos salakayin ng pulisya ang kaniyang bahay sa bayan ng Buhi, Camarines Sur, Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, naghain sila ng search warrant laban sa kagawad na si Froilan Saez Oaferina III, 45, sa bahay niya sa Barangay Tambo dahil sa pagmamay-ari niya umano ng ilegal na baril.

Diin ng pulisya, gumanti sila matapos biglang nagpaputok umano ng baril ang suspek sa kanila habang nagtatago siya sa madilim na bahagi ng kaniyang bahay.

Pero ayon sa pamilya ni Oaferina, walang search warrant ang mga awtoridad ng sumugod ang mga ito.

ADVERTISEMENT

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang caliber .38 revolver na ginamit umano ng kagawad.

Dinala na sa punerarya ang bangkay ni Oaferina para isailalim sa autopsy.--May ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.