PatrolPH

4 na umano'y biktima ng human trafficking, nasagip sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2021 10:24 PM

Nasagip ng police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pampanga Field Unit at ng Floridablanca Municipal Police Station ang apat na biktima umano ng human trafficking sa magkakahiwalay na operasyon sa Pampanga nitong Linggo.

Nag-ugat ang operasyon sa impormasyong natanggap ng mga awtoridad sa malalaswa umanong show sa 2 bar sa Barangay Consuelo sa bayan ng Floridablanca. 

Ayon kay Police Lt. Col. Rex Perocho, hepe ng CIDG-Pampanga, naaktuhan nila sa entrapment operation ang pag-aalok sa mga babae kapalit ng pera.

Nasagip ang 4 na babae sa nasabing operasyon habang huli ang 2 itinuturong mga may-ari at nagpapatakbo sa mga bar at isa pang kasama ng mga ito.

Ayon sa pulisya, ang mga inarestong suspek ay itinuturong lider at mga miyembro ng isang sindikato na sangkot sa human trafficking.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 ang mga nahuling suspek habang nasa pangangalaga na sa Municipal Social Welfare and Development office ang mga nasagip na babae para sumailalim sa counseling.

- ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.