2 'holdaper' arestado sa Caloocan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 'holdaper' arestado sa Caloocan

2 'holdaper' arestado sa Caloocan

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Arestado ang 2 lalaki na umano'y sangkot sa serye ng holdapan sa Caloocan City.

Nasamsam sa kanila ang 1 kalibre .38 na baril at 1 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng reklamo ukol sa mga suspek.

Naalarma ang ilang residente dahil sa kahina-hinalang kilos ng 2 habang nakatambay sa Mangga St., Barangay 178.

ADVERTISEMENT

Nirespondehan ito ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 5 kung saan nagtangka pa umanong bumunot ng baril ang isa sa mga suspek.

Ayon kay Senior Insp. Rengie Deimos, commander ng Caloocan PCP 5, sangkot umano ang 2 lalaki sa mga insidente ng holdapan.

"Allegedly itong 2 ay involved sa mga robbery-holdup ng mga estudyante, mga nagtatrabaho sa lugar na iyon at sa previous shooting incidents," aniya.

Pinabulaanan naman ito ng mga nahuli.

"Hindi po kami holdaper," ayon sa kanila.

Kakasuhan ang isang suspek ng paglabag sa Omnibus Election Code habang mahaharap ang kaniyang kasamahan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.