Grupo ng private schools may pangamba sa rekomendasyong simulan ang klase sa Setyembre | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grupo ng private schools may pangamba sa rekomendasyong simulan ang klase sa Setyembre

ABS-CBN News
Published Apr 24, 2020 04:41 PM PHT

MAYNILA - Umaalma ngayon ang grupo ng private schools sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases, na pag-antala sa klase dahil apektado nito ang kanilang kita at pag-aaral ng kanilang mga estudyante.

Pangamba ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), aaray ang mga school personnel dahil tigil muna ang kanilang trabaho, ayon sa mga tagapagsalita nilang si Joseph Noel Estrada.

Batay umano sa kanilang survey, hindi magiging sapat ang pondo ng 40 porsiyento ng sumaling 150 private schools para bayaran ang kanilang mga kawani ngayong may enhanced community quarantine.

“Apektado ay yung mga school personnel. Sa ngayon wala silang trabaho dahil stop ang operations ng school at marami ang umaasa sa eskwelahan sa kanilang ikakabuhay... Baka di nila kayanin," ani Estrada.

Maaari pa aniyang lumaki ito sakaling patagalin ang pag-antala sa pagbubukas ng klase.

Agam-agam din ng COCOPEA na makakaapekto ito sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong hindi lahat ng mga estudyante at guro ay may teknolohiya para mag-access ng online classes.

“Maraming (students) titigil o maraming lilipat sa gobyerno kung sila ay nasa private school. Di natin alam kung kaya yang iimplement ng government," ani Estrada.

Bukod pa rito aniya, maaaring makutya pa ang mga graduate na nakapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng quarantine.

“Baka magkaroon ng duda later on kung maghanap sila ng trabaho, or sila ay pursuing higher education, baka sabihin di sapat ang kanilang pag aaral," ani Estrada.

Kaya ngayon, nanghihingi sila ng stimulus package para maayudahan ang mga umaaray na eskuwelahan.

Nitong Biyernes, inanunsiyo ng Malacanang na posibleng maurong ang pagbubukas ng klase sa harap ng krisis sa coronavirus, maliban na lang kung sasailalim sa online learning.

"Ang rekomendasyon po na inaprubahan ng Presidente ay magbukas ang mga klase ng septyembre. Pinaka maaga na po iyon except for online learning," ayon kay Palace Spokesman Harry Roque.

Para sa magulang na si Kassy Jamela, dapat gawing mas maaga ang pagsisimula ng klase.

"Ang panawagan ko sana sa DepEd, sana po mas maaga pa po sa sept, kasi masyado na pong mahaba ang sept para sa mga mag aaral. Natuturuan din sila (sa bahay) pero mas maganda na sa school sila," ani Jamela, na tinuturuan sa ngayon ang kaniyang mga anak habang suspendido ang klase.

Para kay Estrada, posibleng kinakailangan pang magpasa ng batas ang Kongreso na pinapayagan ang pag-urong ng pagbubukas ng klase sa Setyembre dahil ayon aniya sa batas, kinakailangang magsimula ang school year mula Hunyo hanggang Agosto.

Dating nabanggit ng Department of Education na tinitingnan nilang simulan ang school year sa buwan ng Agosto.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
education
pag-aaral
Setyembre
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT