Ginang tinaga ng sariling anak sa away sa cash aid sa La Union

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2020 08:38 PM

ROSARIO, La Union - Patay ang isang ginang matapos na pagtatagain ng kaniyang anak sa Barangay Amlang dahil sa away umano sa cash aid, Biyernes ng hapon.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero ideneklara na itong dead on arrival.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-away ang dalawa dahil hindi umano binigyan ng ginang ng pera mula sa social amelioration program ang kaniyang 34 anyos na anak.

Kabilang ang ginang sa mga nabigyan ng ayuda ng gobyerno sa gitna ng pandemiya ng COVID-19. 

Nasa kustodiya na ng Rosario Police Station ang suspek.

- Micaella Costales Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.