Manila Water pinatawan ng higit P1 bilyong multa dahil sa 'supply crisis'

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 11:39 AM | Updated as of Apr 24 2019 08:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Napagdesisyunan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na patawan ng P1.13 bilyong multa ang Manila Water kasunod ng naganap na water shortage sa ilang bahagi ng Kamaynilaan noong Marso.

Sabi ng regulators, ang naging krisis sa tubig ay paglabag sa water concession agreement sa pagitan ng Manila Water at gobyerno.

Ang P600 milyon ng multa ay gagamitin para sa paggawa ng bagong water source ng Manila Water. 

Bukod sa P1 bilyon, naglaan din ang Manila Water ng P500 milyon bilang tulong pinansiyal sa mga naperwisyo ng kanilang water interruption.

Ayon naman kay Manila Water president Ferdinand Dela Cruz, nirerespeto nila ang desisyon ng MWSS at tiniyak na pananagutan nila ang kanilang palpak. 

—Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.