Mga buto ng tao, parte ng motorsiklo natagpuan sa bakanteng lote | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga buto ng tao, parte ng motorsiklo natagpuan sa bakanteng lote

Mga buto ng tao, parte ng motorsiklo natagpuan sa bakanteng lote

Lynette dela Cruz,

ABS-CBN News

Clipboard

Photo courtesy: Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan – Natagpuan ang isang chop-chop na motorsiklo at mga buto ng tao isang bakanteng lote sa Clark Ville, Barangay San Pedro noong Sabado.

Nakita ang mga ito na halos 20 metro ang layo.

Bukod sa mga buto, may nakita rin ang mahabang buhok kaya't posible umano na sa isang babae ito.

"May nakuha po kaming identity card but hindi po namin pa matiyak kung yun na siya but hopefully na malaman din natin para makatulong din po tayo," ani Punong Barangay Francisco Gabuco.

ADVERTISEMENT

Kwento naman ng tauhan ng isang inn malapit sa lugar, ilang linggo ang nakakalipas, may narinig silang sigaw ng babae na humihingi ng tulong. Pero tanging ang mga lalaking nakamotorsiklo na lang ang kanilang nasalubong.

"Parang nagkasundo kami na tingnan, pumunta kami, may kasama kasi ako noon. Tapos noong papunta na kami may nasalubong kami naka-motor dalawa. Hindi namin makilala kasi walang ilaw 'yung motor tapos madilim din sa part na 'yun. Tapos yung isang angkas naka-hood - naka-jacket na may hood. Tapos hinabol namin, umabot pa nga kami doon sa labas pero hindi na namin naabutan,” sabi ni alyas Dodoy.

Tatlong linggo naman ang nakakalipas nang makita umano ng isang residente ang pulang bag na may lamang pulbo, lipstick, pawnshop ID, at dalawang cellphone na walang SIM card. Hinihinalang gamit ito ng nakitang kalansay.

"Three weeks ago, nagsusuga kasi ng baka araw-araw dito si tatay, umaga saka hapon. May nakita siyang bag na pula, dinala niya naman doon sa kubo at sinabit. Pero may nakita rin siyang plastic na itim, ayon sa kaniya, pero hindi niya na tiningnan," kuwento ni Herbe Mondragon.

Yun nga lang, hindi ito agad naireport sa kinauukulan. Gayunman, gagamitin pa ring ebidensya ang mga gamit.

Karaniwan naman daw dinadaanan ng mga tao ang lugar. Ginagawa ring tapunan ng patay na hayop ang bakanteng lote.

Dinala ng mga pulis ang mga kalansay at ang bag. Iimbestigahan din daw kung ang natagpuang kalansay nga ba ang nagmamay-ari ng bag at kung ito rin ang pangalang nakalagay sa nakitang ID.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.