Condom, pills, kasama sa ipinamimigay sa community pantry sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Condom, pills, kasama sa ipinamimigay sa community pantry sa Davao City

Condom, pills, kasama sa ipinamimigay sa community pantry sa Davao City

ABS-CBN News

Clipboard

Kasamang ipinamimigay sa community pantry sa isang barangay sa Davao City ang contraceptives tulad ng condom at pills. Larawan mula kay Regie Manginsay

Kakaiba ang community pantry sa Purok 9, Barangay 76-A sa Davao City dahil bukod sa mga pagkain, nagpapamigay din sila ng libreng contraceptives tulad ng condoms at pills, at sinamahan pa maging ng lubricant.

Ito ay inorganisa ng LGBT groups na naglalayon ding makatulong sa problema ng tumataas na bilang ng teenage pregnancies.

Ayon kay Regie Manginsay ng LGBT Davao City Coalition, ang kanilang adbokasiya ay magbibigay din ng kamalayan ukol sa STD at HIV-AIDS.

Humihingi rin sila ng suporta sa publiko para mapanatili ang community pantry.

ADVERTISEMENT

Tumatanggap sila ng mga gamit na plastic bottles na kanilang ibebenta at ibibili ng mga pagkain sa kanilang community pantry.

Inaabisuhan naman nila ang mga tao na kumuha lamang ng tatlong items para mabigyan din ng pagkakataong makakuha ang iba pang nangangailangan.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

- Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.