Sunog sumiklab sa bundok sa Aklan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa bundok sa Aklan
Sunog sumiklab sa bundok sa Aklan
Cherry Palma,
ABS-CBN News
Published Apr 23, 2020 02:45 PM PHT

MALAY, Aklan - Mahigit 20 oras nang nasusunog ang bundok na sakop ng ilang barangay sa bayan ng Malay, Aklan, na nagsimula Miyerkoles ng hapon.

Nagsimula sa Barangay Cogon ang sunog at kumalat sa mga katabing barangay ng Cubay Sur, Balusbos at Nabaoy, ayon kay Sr. Insp. Lorna Parcellano, fire marshal ng Malay Fire Station.

Naglagay na ang mga awtoridad ng fire line sa bundok sa pamamagitan ng pagtabas ng mga damo para hindi na kumalat ang apoy, ayon kay Parcellano.

Dagdag niya, nahirapan silang abutin ang sunog dahil matarik ang daan.
Dagdag niya, nahirapan silang abutin ang sunog dahil matarik ang daan.
ADVERTISEMENT
"Dahil sa sobrang init ng panahon, posibleng biglang masunog ang mga tanim," aniya.

Sa ngayon, maliit na bahagi na lang ang may apoy ngunit balot pa rin ng usok ang bundok.

Wala namang nai-ulat na kabahayang nadamay sa sunog.