Babaeng namalengke patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 01:12 AM

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng mga armadong salarin na nakasakay sa motorsiklo sa Negros Oriental nitong Martes ng umaga.

Nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima na si Zelsun Blue Behag habang karga ang sako ng bigas at pagkain na iuuwi niya sana sa Barangay Poblacion sa Guihulngan City.

Batay sa imbestigasyon ng Guihuilngan City Police, hindi namalayan ng biktima na sinusundan na siya ng mga salarin.

Tinabihan siya ng mga ito at pinagbabaril nang makarating ang biktima sa Sitio Agay-agay, Barangay Bulado.
 
Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa mga natamong tama ng bala.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.

Naiwan sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng caliber .45 pistol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.