3 dawit sa gun-for-hire, droga patay sa engkuwentro sa Taguig | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 dawit sa gun-for-hire, droga patay sa engkuwentro sa Taguig

3 dawit sa gun-for-hire, droga patay sa engkuwentro sa Taguig

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang 3 lalaking sinasangkot sa iba't ibang krimen matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Taguig City noong Miyerkoles.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kinilala ang mga suspek bilang sina Adam Chiongbian, Ronaldo Villanueva, at Edward Galleposo.

Ayon sa pulisya, sina Chiongbian at Villanueva ay mga miyembro ng gun-for-hire group habang dawit sa mga insidente ng carnapping at drug peddling si Galleposo.

Dati na rin umanong nadetine si Chiongbian dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

ADVERTISEMENT

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis ukol sa isang armadong grupo sa Barangay Ibayo Tipas kaya pumunta sila sa lugar para magberipika, ayon sa NCRPO.

Nang dumating ang mga awtoridad, nagtakbuhan umano ang 3 lalaki papasok ng isang bahay kaya hinabol sila ng mga pulis.

Nagsimulang magpaputok ng baril ang mga suspek dahilan para makipagpalitan ng mga putok ang mga pulis, na ikinasawi ng mga lalaki, sabi ng NCRPO.

Nakuha umano sa mga suspek ang isang granada at sari-saring armas.

"The presence of this notorious gang is a threat to the safety and security of the community especially in this trying times," ani NCRPO chief Police Maj. Gen. Debold Sinas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.