Alert level sa Luzon grid itinaas bunsod ng lindol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alert level sa Luzon grid itinaas bunsod ng lindol

Alert level sa Luzon grid itinaas bunsod ng lindol

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 23, 2019 10:17 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Itinaas ang alert level sa Luzon grid matapos tamaan ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang probinsiya nitong Lunes, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa advisory sa NGCP Facebook page, nakataas ang red alert mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa Luzon Grid.

Samantala ibababa ito sa yellow alert mula alas-4 hanggang alas-10 ng gabi.

Ang yellow at red alert ay mga hudyat na manipis ang reserba ng kuryente.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, mahigit 1,000 megawatts ang nawala sa mga planta dahil sa lindol pero inaasahang maibabalik na rin ito.

"Karamihan naman po ng powerplants ay hindi maaapektuhan. So masasabi nating manipis ang ating reserba, hindi po ito makakaapekto sa ating suplay," ani Fuentebella.

May ilang planta sa may Zambales na naapektuhan ng pagyanig kaya iniinspeksiyon ito, dagdag niya. Sa bayan ng Castillejos sa probinsiya ang epicenter ng pagyanig.

Naputol noong Lunes ang suplay ng kuryente sa ilang lalawigan gaya ng Pangasinan, La Union, Pampanga, at Bataan matapos ang lindol.

Agad na naibalik ang suplay sa Pangasinan, Bataan at La Union. Samantala, patuloy pa rin ang operasyon para maibalik ang kuryente sa mga bahagi ng Pampanga na nawalan ng suplay. Isa ang probinsiya sa mga pinakamatinding napinsala ng lindol.

Noong hapon ng Lunes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Zambales, Pampanga, ilan pang kalapit na lalawigan at Metro Manila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.