1 taong gulang na bata patay sa palo umano ng ina sa Taguig | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 taong gulang na bata patay sa palo umano ng ina sa Taguig

1 taong gulang na bata patay sa palo umano ng ina sa Taguig

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 22, 2021 07:21 PM PHT

Clipboard

Kinasuhan ng parricide ang isang 18-anyos na ina sa Upper Bicutan, Taguig dahil sa pagkamatay ng kanyang 1-taong gulang na anak na lalaki. Ayon sa pulisya, inamin ng babae na pinagpapalo niya ng patpat ang bata dahil nairita nang umiyak ito. Larawan mula sa Taguig City police

MAYNILA — Patay ang isang batang lalaki matapos pagpapaluin ng kaniyang 18 taong gulang na ina sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City, sabi ngayong Huwebes ng pulisya.

Blunt abdominal trauma ang nakitang sanhi ng pagkamatay ng isa't kalahating taong gulang na si alyas "Ton," na tadtad ng pasa sa buong katawan.

Ayon kay Taguig police chief Col. Celso Rodriguez, pinagpapalo si "Ton" ng patpat ng kaniyang inang si "Wena."

Batay sa kuwento ng mga nakakita at pag-amin mismo ni "Wena" sa pulis, biglang umiyak si "Ton" habang natutulog ang 6 na buwang gulang na bunsong kapatid.

ADVERTISEMENT

Nairita umano ang ina kaya pinagpapalo ang sanggol.

Ayon sa pulis, isinugod ng ina si "Ton" sa barangay health center matapos makitang hirap na siyang makahinga.

"May pinagdadaanan dahil wala siyang trabaho at ganito pa ang nangyari, pandemic," ani Rodriguez.

Inilarawan ng mga health worker si "Wena" na walang tigil sa pag-iyak at hindi makausap.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuwento ni Czargent Bron, nurse ng Sitio Imelda health center, wala nang malay at wala na ring pulso ang sanggol noon kaya nagpatawag sila ng ambulansiya.

ADVERTISEMENT

Hindi na umabot nang buhay si "Ton" sa Taguig-Pateros District Hospital.

Ayon kay Bron, dinala na rin ni "Wena" ang sanggol sa health center ngayong taon dahil sa parehong kondisyon pero naagapan pa nila ito.

"Iyak lang siya nang iyak. Hindi niya pinaliwanag kung ano ang nangyari sa bata. Brusies all over, developing bruises sa buong katawan," ani Bron.

"Nagkaroon din ngayong taon na nilusob siya sa dating center, ganoon ang pangyayari, wala ring malay," kuwento ni Bron.

Nakita sa autopsy ng medico-legal na may mga dati nang pasa si "Ton" sa mga binti.

ADVERTISEMENT

Ayon sa 35-anyos na lola ng sanggol, ipinaampon noon sa kamag-anak si "Ton" noong 2 buwang gulang pa siya pero ibinalik sa ina.

Nagsisisi umano si "Wena" sa nangyari, sabi ng lola at piulis.

Kinasuhan si "Wena" ng parricide at nakapiit ngayon sa custodial facility ng Taguig City Police.

Ayon sa pulis, isasailalim ang ina sa psychological examination at assessment, at drug test.

Nasa pangangalaga ng mga kamag-anak ang 2 pang anak ni "Wena" na 3 taon at anim na buwang gulang.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.