Nagpakilalang dating militar, patay matapos barilin ng pulis sa quarantine checkpoint sa QC | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagpakilalang dating militar, patay matapos barilin ng pulis sa quarantine checkpoint sa QC

Nagpakilalang dating militar, patay matapos barilin ng pulis sa quarantine checkpoint sa QC

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 23, 2020 02:36 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Patay ang isang lalaki matapos barilin ng pulisya sa Quezon City, hapon ng Martes.

Kinilala ang namatay na si Winston Ragos, 34 anyos, na nagpakilalang kawani ng Armed Forces of the Philippines na binaril sa Maligaya Drive, Barangay Pasong Putik sa Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Jeffrey Bilaro, hepe ng Quezon City Police District Station 5, lumapit sa quarantine control point si Ragos at nagalit umano ito sa mga naka-duty na sina police trainee Arnel Fontillas Jr. at Joy Flaviano dahil masama umano ang tingin ng mga ito.

Agad aniyang inireport ng mga police trainee ang insidente kay Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr.

ADVERTISEMENT

Nang tanungin na aniya ni Florendo si Ragos, nagpakilala ito na dating miyembro ng AFP habang bigla umanong hinawakan ang dala nitong sling bag na may lamang baril.

Sinabihan aniya ni Florendo na sumuko na ito pero tinangka umano ni Ragos na ilabas ang dalang hand gun kaya nagpaputok na ang pulis at tinamaan si Ragos sa katawan.

Naisugod pa si Ragos sa Commonwealth Hospital pero binawian din ng buhay.

Narekober kay Ragos ang .38 baril.

Inilipat muna sa ibang lugar si Florendo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

ADVERTISEMENT

Kinondena ng Kabataan Partylist ang nangyaring pamamaril at tinawag nitong "overkill" ang naturang insidente. Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, patunay ito na pang-militar ang implementasyon ng gobyerno sa lockdown sa Luzon.

"This is a clear case of the militarist implementation of ECQ. The policemen involved is quick to point gun and shoot bullets at a man just for allegedly violating ECQ protocol," ani Elago.

Aniya, ito'y isang kinahinatnan ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na "barilin hanggang sa mamatay" ang mga sumusuway at nanlalaban sa mga awtoridad na may kinalaman sa lockdown.

Dapat managot umano ang pulis sa pagpaslang sa biktima na may problema sa pag-iisip.

"We must make the police accountable for the killing of Winston. We cannot just let this pass as this incident may set a precedence to all alleged ECQ Violators. If this killing will not be given justice, this will make the culture of impunity in the country even worse," saad ni Elago.

ADVERTISEMENT

Aniya, dapat nakakaligtas ng buhay ang lockdown, hindi nakakamatay. -- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN news

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.