TINGNAN: Kweba sa Bohol kung saan umano nagtago ang mga Abu Sayyaf

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2017 05:17 AM

Courtesy of Municipality of Inabanga

Sa maliit na kwebang ito sinasabing nagtago umano ang mga bandidong Abu Sayyaf sa Bohol. 

Ito'y matatagpuan sa Sitio Lagsing, Barangay Bacani sa boundary ng mga bayan ng Clarin at Inabanga. 

Natagpuan din sa labas ng kweba ang mga bote ng softdrinks, sako at tsinelas. 

Unang inilabas sa publiko ang mga larawang ito sa Facebook page ng lokal na pamahalaan ng Inabanga.

Natagpuan 100 metro mula rito ang bangkay ni Joselito Melloria, tinaguriang sub-leader ng teroristang grupo.

Ayon kay Military Central Command chief Lieutenant General Oscar Lactao, napatay si Melloria bago makarating sa Inabanga kung saan nagkasagupa ang militar at Abu Sayyaf nitong nakaraang linggo.