TFC News

TINGNAN: MMDA at LGU officials, nasa the Netherlands para sa study tour

Jofelle Tesorio | TFC News the Netherlands

Posted at Apr 21 2023 03:29 PM

THE HAGUE - Nakipag-kumustahan sa Filipino community kasama si Philippine Ambassador to the Netherlands J. Eduardo Malaya ang Metro Manila Development Authority (MMDA), ilang mayor, at konsehal ng Metro Manila. 

12

Nasa bansa sila para sa study tour at makapulot ng good practices sa the Netherlands gaya ng water management, flood control, inclusive at sustainable mobility, at circular economy na maaring gamitin sa Pilipinas.

4
45

Makikipagpulong ang delegasyon sa ilang ahensiya at sa mayor ng Rotterdam at bibisita sa mga lugar na may good practices gaya ng bike park sa Amsterdam, floating offices, at waste-to-power facility.

Ang delegasyon ay binubuo nina MMDA Chairman Romando S. Artes at Undersecretary Frisco S. San Juan, Jr., Councilor Carolyn C. Cunanan (Metro Manila Councilors League), Vice Mayor Waldetrudes S. Del Rosario (Metro Manila Vice Mayors’ League), Mayor Dale Gonzalo R. Malapitan (Caloocan), Mayor Jeannie N. Sandoval (Malabon), Vice Mayor Carmelita A. Abalos (Mandaluyong).

67

Kasama rin sina Mayor Rozzano Rufino B. Biazon (Muntinlupa), Mayor John Reynald M. Tiangco (Navotas), Mayor Imelda Calixto-Rubiano (Pasay), Mayor Miguel F. Ponce III (Pateros), Mayor Josefina G. Belmonte (Quezon City), Mayor Francisco Javier M. Zamora (San Juan), at Mayor Weslie T. Gatchalian (Valenzuela) at  ilang konsehal, administrators, at planners ng mga siyudad na nabanggit.

Abangan ang buong report sa TFC News at TV Patrol.