Nadiskaril na tren ng PNR, naibalik na sa riles | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nadiskaril na tren ng PNR, naibalik na sa riles

Nadiskaril na tren ng PNR, naibalik na sa riles

ABS-CBN News

Clipboard

Maria Tan, ABS-CBN News
Iniinspeksiyon ang riles at bagon ng Philippine National Railways (PNR) na nadiskaril sa Makati City noong April 18, 2023. Maria Tan, ABS-CBN News

Naibalik na mula sa pagkakadiskaril ang tren ng Philippine National Railways (PNR) nitong Huwebes ng gabi, sa pagtutulungan ng mga tauhan mula sa LRT Line 2, MRT 3, at ng pribadong sektor.

Nailagay na muli sa riles ang tren nitong alas-8:20 ng gabi matapos pagsabayin ang paggamit sa crane at rerailing equipment at matagumpay na nailinya ang locomotive sa nadiskaril na tren.

Lubos namang pinasasalamatan ni PNR General Manager Jeremy Regino ang lahat ng mga manggagawa na nagtulong-tulong upang mapabilis at gawing ligtas ang pagsasaayos sa tren.

Sabi ni Regino, pagkatapos ng re-railment nitong Huwebes ng gabi, magsasagawa ng track restoration sa hatinggabi at safety assessment mula madaling-araw hanggang umaga.

ADVERTISEMENT

Magpapatakbo rin ang PNR ng test-run sa linya upang masiguro na ligtas itong mababagtas ng tren para maipagpatuloy na ang normal na operasyon nito.

Isusunod rin umano ng pamunuan ng PNR ang pagkuha ng line safety clearance mula sa engineering department nito.

"Ang best case scenario ay mapapanumbalik natin sa normal at fully operational ang PNR bukas," ani Regino.

“Prayoridad ng PNR ang kaligtasan ng lahat ng pasahero at crew nito,” dagdag ni Regino.

Kapag natapos at naideklarang ligtas na madaraanan, maglalabas ang PNR ng panibagong iskedyul ng byahe na magseserbisyo na sa buong linya mula Gov. Pascual hanggang Tutuban, at Tutuban hanggang Calamba.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.