4 tripulante ng sumadsad na barko sa Surigao de Norte natagpuang patay; 7 nasagip | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 tripulante ng sumadsad na barko sa Surigao de Norte natagpuang patay; 7 nasagip

4 tripulante ng sumadsad na barko sa Surigao de Norte natagpuang patay; 7 nasagip

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 21, 2021 09:38 PM PHT

Clipboard

Larawan mula sa Philippine Coast Guard

MAYNILA (2nd UPDATE) - Patay na nang matagpuan nitong Miyerkoles ang 4 sa 20 tripulante ng sumadsad na barko sa karagatang sakop ng Barangay Cantapoy sa Malimono, Surigao del Sur, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Armand Balilo, 7 ang nakaligtas habang patuloy pang nawawala ang 9 na iba pang tripulante.

Ang mga naiulat na nakaligtas ay sina:

  • Noli Labucay
  • Roger Polo
  • Arjie Bacarra
  • Joejie Villanueva
  • Felipe Quebuen
  • John Renzo Guanzon
  • Junmar Galeos

Ginagamot na ang mga survivor sa Malimono Regional Health Unit at Caraga Regional Hospital.

ADVERTISEMENT

Samantala,nakilala na rin apat na nasawing tripulante na natagpuan sa Brgy. Jubgan sa San Francisco at Bgy. Mabua sa Surigao City.

Ang mga naiulat na nasawing tripulante ay sina:

  • Normal Galon
  • Michael Inoc
  • Jose Sherwin Laniba
  • Mark Evan Cuesta

Ito ang resulta ng ika-3 araw ng nagpapatuloy na search and rescue operation ng mga tropa ng Philippine Coast Guard at ibang search units sa mga tripulante ng LCT Cebu Grean Ocean na sumadsad sa baybayin ng Malimono noong Lunes.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa isang pahayag, patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations sa mga tripulante na nawawala pa rin.

Nag-deploy na rin umano ang PCG ng land mobility vehicle para sa patrol operations sa shorelines ng Malimono at San Francisco.

Sinabi naman ni Balilo na tumutulong na rin ang Philippine National Police Maritime group at ang lokal na pamahalaan sa paghahanap sa mga tripulante sa mga kalapit na lugar ng Malimono sa Surigao area.

KAUGNAY NA BALITA:

Siniguro naman ng PCG na ilan sa kanilang personnel ang patuloy na magbibigay ng assistance sa mga survivors na nasa mga ospital.

"They are also on standby for the swift admission and provision of medical care to other survivors who will be rescued," paliwanag ng Coast Guard.

Una nang iniulat ng PCG ang pagsadsad ng LCT Cebu Great Ocean noong Lunes ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon at base na rin sa salaysay ng mga survivor, sinabi ng PCG na naka-angkla ang LCT Cebu Great Ocean sa karagatang sakop ng Jabonga, Agusan del Sur nang hampasin ito ng malalaking alon at maputol ang kadena ng angkla ng barko.

Dito na pinasok ng tubig ang barko at magdeklara ng abandon ship kaya kanya-kanya nang talon sa dagat ang mga tripulante.

Dalawang araw na nagpalutang lutang ang mga tripulante sa dagat hanggang sa mapadpad sa karatagan ng Surigao del Norte suot ang kanilang mga lifejacket at life rings.

Kargado ang barko ng nickel ore at 2,000 litro ng diesel.

- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.