Higit 1 buwan sa lockdown: Suplay ng pagkain nananatiling sapat, ayon sa IATF | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 1 buwan sa lockdown: Suplay ng pagkain nananatiling sapat, ayon sa IATF

Higit 1 buwan sa lockdown: Suplay ng pagkain nananatiling sapat, ayon sa IATF

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 21, 2020 05:51 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Tiniyak ng pamahalaan na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa nang mahigit 1 buwan matapos ipatupad ang lockdown sa Luzon at iba pang lugar, ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Sabi ni IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sari-saring hakbang ang ginagawa ng Department of Agriculture (DA) para matiyak na hindi kukulangin sa pagkain ang mga Pinoy lalo't may kinakaharap ng krisis bunsod ng COVID-19.

"At present the DA is undertaking efforts to ensure a sufficient supply of rice by the end of June equivalent to around 18 million metric tons of rice, which is sufficient for 84 days, 1.95 million metric tons of chicken that is sufficient for 62 days, and 1.12 million metric tons of pork," ani Nograles.

"Sa madaling salita: may pagkain po tayo at di po tayo mauubusan ng suplay sa ating mga merkado," dagdag ng opisyal.

ADVERTISEMENT

Sa kabila nito ay patuloy pa rin daw ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan partikular na sa mga labis na nasapul ng kawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemic.

Nakapagbigay na rin daw ang DA ng ayuda sa 438,207 magsasaka sa ilalim ng kanilang Rice Farmers Financial Assistance.

Tatagal ang lockdown sa Luzon hanggang Abril 30. Marami ring lugar sa bansa ang nasa ilalim ng lockdown na hakbang para hindi na kumalat pa ang COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.