'Bigas kapalit ng plastik': Iba't ibang pakulo, inilunsad para sa Earth Day | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Bigas kapalit ng plastik': Iba't ibang pakulo, inilunsad para sa Earth Day

ABS-CBN News
Published Apr 21, 2018 07:32 PM PHT
|
Updated Apr 21, 2018 07:58 PM PHT

Sa paunang selebrasyon ng Earth Day, iba't-ibang paraan ang isinagawa sa Cavite at Las Piñas para mapangalagaan ang kalikasan.

Ibinida sa Cavite ang proyektong isang kilong bigas kapalit ng isang kilong plastik na basura.

Isa sa mga sumali sa proyekto si Glenda Reliora na nakaipon ng tatlong sako ng plastic na basura dahil sa pagpupulot ng mga kalat sa Rosario, Cavite.

Umabot sa anim na kilong bigas ang naiuwi ni Reliora dahil sa kaniyang naipon na basura.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Nonong Ricafrente, vice mayor ng Rosario, Cavite, nais nilang matuto ang mga tao na mag-segregate o maghiwa-hiwalay ng basura.

Dadalhin sa recycling plant ang mga makokoletang basura para gawing mga upuan.

Sa Las Piñas naman, ibinida ang mga produktong nalikha galing sa plastik na basura.

Nakolekta ang mga basura sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park sa tulong ng Greenpeace Philippines at Villar Sipag Foundation.

Ikinalungkot naman ni Senator Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, na pangatlo ang bansa sa China at Indonesia sa walang habas na pagkakalat ng plastic materials.

Gugunitain ang Earth Day sa Abril 22.
Gugunitain ang Earth Day sa Abril 22.
--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kalikasan
Cavite
Las Piñas
basura
Earth Day
Cynthia Villar
TV Patrol
TV Patrol Weekend
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT