2 arestado sa pagbibigay ng swab test kahit di lisensiyado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 arestado sa pagbibigay ng swab test kahit di lisensiyado

2 arestado sa pagbibigay ng swab test kahit di lisensiyado

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 20, 2021 08:02 PM PHT

Clipboard

Inaresto ng National Bureau of Investigation ang 2 tao na nagbibigay ng home service na RT-PCR testing kahit hindi sila lisensiyado para rito.

Dalawa ang inaresto ng National Bureau of Investigation dahil sa pagsasagawa ng home service na RT-PCR tests kahit sila hindi lisensiyado.

Nagkasa ng operasyon ang NBI matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang pamilyang nagpa-test sa mga suspek. Nagduda raw kasi sila sa paraan ng pagsa-swab at wala ring ibinigay na resibo.

Nahuli ang mga suspek ng mga NBI agent na nagpanggap na magpapa-home service na swab test para sa halagang P3,500 kada test.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inamin ng isa sa mga suspek na hindi siya lisensiyadong nurse, doktor o medical technologist para mag-swab. Ginawa lang umano niya ito dahil nangangailangan ng pera.

ADVERTISEMENT

Ayon din sa Department of Health, hindi accredited ang mga suspek para magsagawa ng RT-PCR test.

Lumabas din sa imbestigasyon ng NBI na hindi konektado ang 2 sa laboratoryong idineklara nila.

Kinasuhan ang mga suspek ng estafa at falsification of private documents.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.